6 na minero na na-trap sa landslide sa Toledo City pinaghahanap pa din

Nagpapatuloy ang paghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) sa anim pang minero na na-trap kasunod ng pagguho sa isang minahan sa Toledo City, Cebu noong December 21, 2020.

Ngayong araw itinuloy ang paghahanap sa mga nawawalang minero.

Inilikas na din ang nasa 400 pamilya na nakatira malapit sa minahan.

Ito ay para masigurong hindi na madagdagan pa ang mga biktima ng insidente.

Batay sa pinakahuling datos ng lokal na pamahalaan ng Toledo City, apat na minero ang nasawi matapos ang landslide sa minahan.

 

 

Read more...