Ilang linya ng Skyway Stage 3 binuksan na

Ganap nang nagbukas ang ang ilang linya ng Skyway Stage 3.

Sa abiso sa Twitter ng Skyway SOMCO, alas 9:47 ng umaga nang buksan ang
Balintawak Southbound On Ramp ng Skyway Stage 3.

Ayon kay Public Works and Highways Sec. Mark Villar, pagbaba sa Balintawak Ramp ay North Luzon Expressway (NLEX) na at malapit na sa toll plaza.

Ngayong araw ay nagsagawa na ng dry run para sa buong mainline ng Skyway Stage 3.

Apat na linya lamang muna ng kalsada ang bukas.

Sa sandaling maging fully operational, ang travel time mula NLEX patungong SLEX at pabalik ay magiging 30-minuto na lamang.

 

Read more...