Ganito inilarawan ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Ramirez-Sato ang pagkakasama ng kaniyang pangalan sa listahan ng mga korap na mambabatas na binasa ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sato, mariin niyang itinatanggi ang akusasyon.
Wala aniyang ginawang imbestigasyon sa anumang proyekto sa kanilang lalawigan ang Presidential Anti-Corruption Commission o anumang ahensya ng gboyerno.
Hinamon ni Sato ang PACC na magsagawa ng imbestigasyon.
Itinanggi din ni Northern Samar Rep. Paul Daza ang alegasyong sangkot siya sa korapsyon.
Aniya mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabi na walang sapat na ebidensya laban sa mga pangalang kaniyang binasa.
Ayon kay Daza maaring may mga kalaban siya sa local politics na nagbigay ng libelous information sa PACC.
Itinanggi din ni dating Ifugao Rep. Teddy Baguilat Jr. na siya ay tumanggap ng “kickback” sa anumang infrastructure projects sa kaniyang lalawigan.
“Kung tumatanggap ako ng kickback noong Congressman ako, di na sana ako naghihirap tumulong magbenta ng pinunnog, honey at kape ng mga Cordilleran producers,” ayon sa Tweet ni Baguilat.
Ngayong araw, nagpatawag naman ng press conference si ACT-CIS Rep. Eric Yap para sagutin ang alegasyon.