Ang LPA kasi na nasa bahagi ng West Philippine Sea ay nakalabas na ng bansa at huling namataan sa layong 55 kilometers south ng Pagasa Island.
Ang LPA naman na nasa silangan ng Northern Luzon at nalusaw na.
Samantala, isang LPA ang binabantayan ng PAGASA sa labas ng bansa na huling namataan sa layong 1,165 kilometers east ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA sa susunod na mga araw ay papasok ito ng bansa.
Sa weather forecast ngayong araw, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan sa Batanes at Babuyan Islands dahil sa Amihan.
Sa nalalabing bahagi ng Cagayan Valley at sa lalawigan ng Aurora, ang Tail-End ng Frontal System ang magdudulot ng pag-ulan.
Dahil naman sa trough ng LPA, makararanas din ng pag-ulan ngayong araw sa Caraga, Davao Region, Zamboanga Peninsula, SOCCSKSARGEN, at Kalayaan Islands.
Localized thunderstorms naman ang iiral sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng bansa.