Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Leyte.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 17 kilometers northeast ng Ormoc City, ala-1:23 umaga ng Martes (December 29).
May lalim na 1 kilometer at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang instrumental intensuty 1 sa Ormoc City.
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian at aftershocks bunsod ng pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES