Ginawa ang paglagda sa isang seremonya sa Malakanyang na dinaluhan ng ilang senador at mga kongresista.
Sa kaniyang pre-taped speech, sinabi ng pangulo na ang pambansang budget ay bunga ng pagkakausa ng ehekutibo at lehislatura lalo ngayong may problema ang bansa sa usapin ng kalusugan.
Kasama sa inilaan sa national budget ang P72.5 billion na alokasyon para sa vaccination program ng pamahalaan laban sa COVID-19.
Ayon sa pangulo, maituturing itong isa sa pinakaimportanteng items sa 2021 national budget dahil ilalaan ito sa storage, transportation, at distribution ng COVID-19 vaccines.
Tiniyak din ng pangulo sa mamamayan na bawat sentimo ng budget ay gagamitin ng maayos ng para sa recovery, resilience, at sustainability.