Skyway Stage 3 bubuksan na ngayong araw

Magkakaroon na ng partial opening sa Skyway Stage 3 project gayong Martes, December 29.

Inanunsyo ni San Miguel Corporation (SMC) President at COO Ramon S. Ang na bubuksan ang apat na sa mga motorista ang apat na linya ng kalsada.

Ang lahat ng 7 linya nito ay nakatakda namang buksan sa January 14.

Snabi ni Ang na sa pagbubukas ng Skyway, libre itong magagamit ng mga motorista sa loob ng isang buwan.

“I am pleased to announce the partial opening tomorrow, December 29, of our 18-km Skyway Stage 3, for free to motorists for one month. By January 14, we can all enjoy the full benefits of this engineering marvel,” ayon kay Ang.

Sinabi ni Ang na sa kabila ng mga nagdaang pag-ulan ay naging tuluy-tuloy ang pagtapos sa proyekto para maisakatuparan ang partial opening nito.

Pinasalamatan din ni Ang si Pangulong Rodrigo Duterte at mga miyembro ng gabinete nito sa suporta para maisakatuparan ang Skyway Stage 3 Project.

Ang bagong tollway ay nakakunekta sa Skyway Stage 2 sa Buendia, Makati City.

 

 

 

Read more...