Outbound passengers sa mga pantalan, nasa higit 10,000

Patuloy ang pag-monitor ng Philippine Coast Guard sa bilang ng mga pasahero sa mga pantalan kasabay ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020.

Batay sa monitoring ng Philippine Coast Guard (PCG), nakapagtala ng kabuuang 10,010 na outbound passengers sa mga pantalan habang 8,356 ang inbound passengers.

Ito ay mula 6:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali, araw ng Lunes (December 28).

Nasa 1,464 naman ang itinalagang PCG personnel sa mga pantalan.

Base pa sa datos, 219 ang inspected vessels at 209 ang inspected motorbancas.

Pinaalalahanan pa rin ang mga pasahero na manatiling alerto at sumunod sa mga panuntunan sa mga pantalan at sasakyang-pandagat.

Read more...