Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.
Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 2:00, Lunes ng hapon (December 28), ito ay dulot ng Easterlies.
Nakataas ang yellow warning level sa Eastern Samar at Samar.
Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.
Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.
Asahan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Leyte at Southern Leyte sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Kaparehong lagay din ng panahon ang iiral sa Dinagat Islands, Surigao Del Norte, Surigao Del Sur, Agusan del Norte, Agusan del Sur (Sibagat, Bayugan City, Esperanza, Veruela), Bukidnon (Talakag), Lanao del Sur (Bubong, Maguing, Mulondo, Lumba-Bayabao), Lanao Del Norte (Tangcal), Davao de Oro, Davao del Norte, Davao City, Misamis Occidental (Concepcion, Don Victoriano Chiongbian), Misamis Oriental (Gingoog City), Camiguin, Maguindanao (Datu Blah T. Sinsuat).
Sinabi ng weather bureau na mararanasan ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.
Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.