Magnitude 4.4 na lindol, yumanig sa Davao Occidental

Tumama ang magnitude 4.4 na lindol sa Davao Occidental, Lunes ng tanghali.

Sa datos ng Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa layong 193 kilometers Southeast ng Sarangani.

Tumama ang pagyanig dakong 12:46 ng tanghali.

May lalim itong 12 kilometers at tectonic ang origin.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa Sarangani at mga karatig-bayan.

<span;>Ayon pa sa Phivolcs, wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig. </span;></span;></span;></span;></span;></span;>

Read more...