Mahigit 260 percent na improvement sa internet speed sa bansa iniulat ng Ookla

Umabot sa mahigit 200 porsyento ang itinaas ng internet speed sa bansa batay sa November 2020 report ng Ookla.

Ayon sa Ookla Speedtest Global Index Report, 262.20% ang naitalang improvement sa internet average download speed para sa fixed at 148.52% naman sa mobile broadband.

Malaking improvement ito ayon sa Ookla mula sa average download speed sa fixed broadband na 7.91Mbps noong July 2016 patungo sa 28.69Mbps noong November 2020.

Para naman sa sa mobile broadband ang average download speed noong July 2016 ay 7.44Mbps lamang at tumaas ito sa 18.49Mbps noong November 2020.

Dahil sa pagbuti ng internet speed sa bansa. sinabi ng Ookla na ang Pilipinas ay nasa pang-29 sa 50 mga bansa sa Asya pagdating sa fixed broadband speed at pang-32 naman pagdating sa mobile broadband speed.

Sa 46 na Asia Pacific countries, ang average download speed ng bansa ay nasa pang-200 para sa fixed broadband at pang-22 para sa mobile broadband.

Ayon sa National Telecommunications Commission (NTC) patuloy na pagbuti ng internet speed sa bansa mula Abril hanggang Nobyembro ay welcome deveopment lalo pa at tumaas ng 500% ang data usage sa bansa mula nang magkaroon ng COVID-19 pandemic.

Nagkaroon din ng problema sa maintenance work at upgrade sa cellular sites nang magpairal ng lockdowns.

Inaasahang mas bubuti pa ang connectivity at internet service sa bansa dahil sakooperasyon ng LGUs at ng DILG upang mapabilis ang pagbibigay ng permit sa pagtatayo ng cellular towers.

Kasabay pa dito ang common tower policy ng DICT na layong mas maiayos ang telecom services sa buong bansa.

Una nang sinabi ng Globe na naisapinal na nito ang partnerships sa labingisang tower companies, habang ang Smart ay may kasunduan na din sa siyam na tower companies.

Ang bagong telco player naman na DITO, ay may pakikipagkasundo na din sa tatlong tower companies.

Ayon sa DITO, nakumpleto na nila ang 1,500 towers. Sapat na umano ang numerong ito para masilbihan ang 37% population coverage na kanilang ipinangakong maibibigay pagsapit ng January 2021.

“Building additional towers is seen to be essential in drastically increasing internet speeds to enable the country to be more competitive globally. 2021 will definitely see the proliferation of more cell sites that promises to give the country faster internet speeds,” ayon sa NTC.

Sa March 2021 ay pormal na ilulunsad ang operasyon ng DITO na nagbunsod sa Globe at Smart na itodo ang kanilang capital expenditures para sa mas mabuting serbisyo.

Ang Globe ay nakatakdang gumastos ng P90 billion habang ang Smart ay P92 billion para sa susunod na taon.

Ito na ang pinakamataas na anual na CAPEX para sa dalawang telco sa nakalipas na anim na taon.

 

 

 

 

 

Read more...