Global cases ng COVID-19 mahigit 81.1 million na

Umabot sa mahigit 403,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos araw ng Lunes, (Dec. 28) ay 81,122,639 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 125,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Sa Brazil nakapagtala ng mahigit 18,000 na bagong kaso sa magdamag.

Mahigit 30,000 naman ang mga bagong kaso na naitala sa UK.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 19,567,007
India – 10,208,725
Brazil – 7,484,285
Russia – 3,050,248
France – 2,559,686
UK – 2,288,345
Turkey – 2,147,578
Italy – 2,047,696
Spain – 1,869,610
Germany – 1,655,322

 

 

 

Read more...