Publiko himimok ni Mayor Isko Moreno na iwasan na ang pagpapaputok sa Bagong Taon

Hinihimok ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga taga-Maynila na iwasan na ang pagpapaputok sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay Mayor Isko, mas makabubuti kung ilalaan na lamang ang pera na ipangbibili ng paputok sa mas mahalagang bagay.

Maraming gastusin aniya ang kailangan na pagtuunan ng pansin ng mga mamamayan lalo na’t nananatili ang banta ng COVID-19.

Sayang lang aniya kung papuputukin lamang ang pera.

Hindi rin aniya maisasantabi ang posibilidad na madisgrasya at maputukan pa ang isang indibidwal.

Maari naman aniyang ipagdiwang ang Bagong Taon sa mas ligtas at matipid na pamamaraan.

 

 

 

Read more...