Dalawa ang nasa loob ng bansa at isa ang nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa update mula sa PAGASA, ang isang LPA sa loob ng PAR ay huling namataan sa layong 250 kilometers West Northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.
Ang ikalawang LPA sa loob ng PAR ay nasa layong 115 kilometers North Northeast ng Casiguran, Aurora.
Kapwa maliit ang tsansang mabuo bilang ganap na bagyo ang dalawang LPA sa susunod na 24 na oras.
Samantala, isang panibagong LPA ang namataan ng PAGASA sa labas ng bansa.
Huli itong namataan sa layong 1,500 kilometers East ng Mindanao.
Ayon sa PAGASA, papasok ito sa PAR sa loob ng susunod na 36 na oras.
Ngayong araw, sinabi ng PAGASA na makararanas pa rin ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan sa northern at eastern portions ng Cagayan kabilang ang Babuyan Islands, eastern portion ng Isabela, at Kalayaan Islands.
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na buhos ng ulan naman ang mararanasan sa Cagayan Valley, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Aurora, northern portion ng Quezon kabilang ang Polillo Islands, at Palawan kabilang ang Calamian, Cuyo, Cagayancillo Islands, Eastern Visayas ay Caraga