Angat dam at Ipo dam nagpapakawala ng tubig

Kapwa nagpapakawala ng tubig sa Angat dam at Ipo dam.

Sa abiso ng PAGASA, alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes (Dec. 28) nasa 213.17 meters ang water level ng Angat dam.

Dalawang gate nito ang nakabukas at nagpapakawala ng tubig.

Ang Ipo dam naman naman ay nasa 100.65 meters ang water level.

May nakabukas ding dalawang gate sa nasabing dam.

Inabisuhan ang mga residente ng Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baliuag, Pulilan at Plaridel sa Bulacan na maaring maapektuhan ng pagpapakawala ng tubig sa dalawang dam.

 

 

 

 

Read more...