Reaksyon ito ni Senator Panfilo Lacson matapos magbanta si Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ire-renew ang Visiting Forces Agreement kapag nabigo ang Amerika na maglaan ng 20 million COVID-19 vaccine ng Pfizer sa Pilipinas.
Sinabi ni Lacson na dahil sa bantang “No vaccines No VFA” ni Duterte, maaring mauwi na nga lang ang Pilipinas sa pagbili ng Sinovac vaccine ng China kaysa sa US-made na Pfizer BioNTech at Moderna vaccines.
“No vaccines no VFA! Treating the Americans like a bunch of yokels might have sealed our fate to settle for China’s Sinovac in lieu of the US made Pfizer BioNTech and Moderna vaccines,” pahayag ni Lacson sa kaniyang Twitter account.
Magugunitang noong nagdaang briefing sa IATF, binanggit ng pangulo na malapit nang mapaso ang VFA at hindi niya ito ire-renew kapag hindi nakakuha ang Pilipinas ng Pfizer vaccine.
Tinawag ni Lacson na “very least, unfortunate” ang pahayag na ito ng pangulo.
Mas mainam sana kung mayroong mas diplomatiko o mas maayos na pamamaraan para kausapin ang isang bansang matagal nang kaalyado para sa paghingi ng bakuna.
Tila kasi aniya pamba-blackmail o pananakot ang dating ng pahayag ng pangulo.