COVID-19 cases sa PNP 8,935 na

Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).

Sa huling datos mula sa PNP (Linggo, December 27, 6:00PM) 8,935 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.

Sa nasabing bilang ay mayroong 8,561 na pulis na naka-recover sa sakit matapos makapagtala ng 32 na bagong gumaling.

Ang COVID-19 active cases naman sa PNP ay 347.

Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 27.

Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.

 

 

Read more...