Bahagi ng Apayao at Cagayan patuloy na inuulan dahil sa LPA

Patuloy na nakararanas ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Apayao at Cagayan dahil sa Low Pressure Area.

Sa rainfall advisory na inilabas ng PAGASA alas 8:43 ng umaga ngayong Lunes, Dec. 28, mahina hanggang katamtamang pag-ulan ang nararanasan sa Calanasan, Flora, Luna, Pudtol at Santa Marcela sa APayao.

Gayundin sa mga bayan ng Abulug, Amulung, Aparri, Baggao, Ballesteros, Gattaran, Gonzaga, Iguig, Lallo, Pamplona, Peñablanca, Santa Ana, Santa Teresita, Sanchez Mira at Tuguegarao City sa Cagayan.

Inuulan din ang Divilacan at Maconacon sa Isabela.

Pinapayuhan ang mga residente na maging alerto sa epekto ng nararanasang pag-ulan at mag-antabay sa susunod na abiso ng PAGASA.

 

 

 

Read more...