Azkals, tinalo ang North Korea sa World Cup qualifiers

 

Kuha ni Tristan Tamayo/Inquirer.net

Tinapos ng Philippine Azkals ang kanilang laban sa 2018 FIFA World Cup Qualifiers sa Rizal Memorial Stadium, nang may kasamang ngiting tagumpay matapos nilang matalo ang North Korea sa iskor na 3-2.

Bagaman nagkaroon ng ilang palya ang Azkals, hindi naman sila nagpadaig sa mga North Koreans.

Nakuha ni Misagh Bahadoran ang unang goal, ngunit napantayan naman sila agad ni So Kyung Jim bago ang half.

Patuloy na dinikdik ng North Korea ang Azkals pero hindi rin sumuko sa laban ang koponan ng Pilipinas at nasundan pa ang naunang goal.

Tinapos ng Azkals ang second round nang nasa third place sa Group H, na may iskor na 10 points matapos ang tatlong panalo at isang draw sa loob ng walong laro.

Dahil dito sa posisyon na ito, aarangkada ang Azkals patungo sa third round ng AFC.

Read more...