Suspek sa EgyptAir hijacking, ‘In-love’ – Egyptian authorities

 

Tapos na ang insidente ng hijacking ng isang lalake sa eroplano ng EgyptAir na napilitang lumapag sa bansang Cyprus.

Kusang-loob na sumuko sa mga otoridad ang hijacker na ligtas ding pinalaya ang lahat ng pasahero ng naturang eroplano.

Lumitaw din sa imbestigasyon na peke ang explosive belt na suot ng hijacker na si Seif el din Mustafa.

Ayon sa mga otoridad, lumilitaw na personal ang motibo at walang kinalaman sa terorismo ang ginawa ng suspek.

Sinabi naman ni Cyprus President Nicos Anastasiades sa pagharap nito sa mamamahayag, posibleng may kinalaman sa isang babae at mistulang ‘in-love’ umano ang hijacker.

Binanggit pa ng isa sa mga opisyal na naging isa sa mga ‘demand’ ng hijacker sa kasagagan ng insidente ay ang makausap ang kanyang dating misis na nakatira sa Cyprus.

Matatandaang umalis ng Alexandria ang EgyptAir flight MS 181 at patungo sana sa Cairo lulan ang 62 pasahero at crew nang maganap ang hijacking.

Dahil dito, napilitan ang eroplano na lumapag sa Cyprus.

Read more...