Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nadagdagan sa magdamag

Nadagdagan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 213.23 meters alas-6:00 umaga ng Lunes (December 28) mas mataas ito sa antas nito kahapon na 213.19 meters.

Nadagdagan din ang antas ng tubig ng Ipo dam na sa 100.63 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.25 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nadagdagan din na nasa 79.64 meters ngayong umaga mas mataas sa antas nito kahapon na 79.53 meters.

Ang water level ng Binga, Pantabangan, Magat at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang Ambuklao at San Roque dams.

Nagpapakawala naman ng tubig ang Angat, Ambuklao, Binga at Magat dams.

 

Read more...