Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 4.1 na aftershock

Niyanig ng magnitude 4.1 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 10 kilometers northwest ng bayan ng Calatagan, alas-6:31 umaga ng Lunes (December 28).

Naitala ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity II -Puerto Galera, Oriental Mindoro
Intensity I – Calatagan, Batangas

May lalim na 91 kilometers at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalabf pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Ang pagyanig ay aftershock ng magnitude 6.3 na lindol sa lugar noong December 25.

Read more...