Pansamantalang hindi muna matutuloy ang modernisasyon ng Philippine Orthopedic Center sa ilalim ng ng isinusulong na Public Private Partnership program.
Ito ang kinumpirma ni Health Secretary Janette Garin.
Sa halip, ipinaliwanag ng Kalihim na gagamitin muna ng DOH ang kanilang sariling pondo na aabot sa 100 milyong piso upang paggandahin ang 70-taong gulang na ospital.
Ayon pa kay Garin, walang tumanggap sa alok na modernization contract para sa POC kaya’t sila muna ang gagastos para dito.
Hindi aniya interesado ang mga kontratista sa alok na ‘70-30 patient classification’ kung saan 70 porsiyento ng serbisyo ng ospital ay ilalaan pa rin sa mga mahihirap na pasyente samantalang ang nalalabing 30 porsiyento ay para sa mga pasyenteng may kakayahang magbayad.
Sa kabila ng kawalan ng bidders, hindi aniya aalisin ng DOH ang direktibang mapanatili ang ‘70-30’ arrangement sa ospital.
Noong November 2015, hindi na itinuloy ng Megawide World Citi Consortium Inc. (MWCCI) ang Build-Operate-Transfer agreement sa DOH.