Malaking bahagi ng bansa uulanin pa rin ngayong araw dahil sa dalawang LPA at easterlies – PAGASA

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang Low Pressure Area (LPA) sa loob ng bansa.

Huling namataan ang isang LPA sa layong 90 kilometers East ng Baler, Aurora, habang ang isa pa ay nasa layong 235 kilometers northwest ng Puerto Princesa City, Palawan.

Ang nasabing mga LPA ay maghahatid ng pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon ngayong araw.

Ayon sa weather forecast ng PAGASA, sa Cagayan Valley at Aurora, makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms dahil sa LPA at tail end ng frontal system.

Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan din ang mararanasan sa Palawan, Quezon at nalalabing bahagi ng Northern Luzon dahil sa trough ng isa pang LPA.

Easterlies naman ang magpapaulan ngayong araw sa Bicol Region, Eastern Visayas, Central Visayas, Caraga at Davao Region.

Habang bahagya nang bubuti ang panahon sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa at localized thunderstorms lamang ang iiral.

 

 

 

 

Read more...