Yellow heavy rainfall warning nakataas sa Kalayaan Group of Islands

Nagtaas ng heavy rainfall warning ang PAGASA sa Kalayaan Group of Islands.

Bunsod ito ng malakas at patuloy na pag-ulan na nararanasan sa lugar dulot ng Low Pressure Area.

Sa inilabas na abiso alas 5:00 ng umaga ngayong Lunes, December 28 yellow warning na ang umiiral sa Kalayaan Group of Islands.

Babala ng PAGASA maaring makaranas na ng pagbaha bunsod ng malakas na buhos ng ulan.

 

 

 

Read more...