Palasyo, pinatututukan ang umiiral na 2 LPA at Amihan sa bansa

Mahigpit na mini-monitor ng Palasyo ng Malakanyang ang dalawang low pressure area (LPA) at Northeast Monsoon o Amihan na nasa Pilipinas.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagamat sinabi ng PAGASA na walang bagyo, patuloy na pinapaalalahanan ang publiko na maging alerto at maging handa para sa posibleng landslide at pagbaha dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.

“We must not forget or ignore all the necessary precautions to ensure the safety of everyone, including the observance of minimum public health standards, such as wearing of masks/ shields, washing of hands, and maintaining social distancing.  Gawin pa rin natin ang Mask, Hugas, Iwas,” pahayag ni Roque.

Patuloy aniyang magtatrabaho ang ehekutibo kahit na holiday season para lamang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa.

“We ask the public to continue following their local officials, monitor the latest PAGASA advisory, and be prepared in case there is an evacuation,” pahayag ni Roque.

Read more...