Ilang lalawigan sa CALABARZON, NCR patuloy na uulanin

Nakataas pa rin ang heavy rainfall warning ang ilang lugar sa bansa.

Sa inilabas na abiso ng PAGASA bandang 5:00, Linggo ng hapon (December 27), ito ay dulot pa rin ng low pressure area (LPA).

Nakataas ang yellow warning level sa Laguna, Rizal at Quezon.

Dahil dito, sinabi ng weather bureau na posibleng makararanas ng matinding pagbaha sa mabababang lugar.

Maaari ring magkaroon ng pagguho ng lupa sa mga landslide prone area.

Asahan naman ang mahina hanggang katamtaman na kung minsan ay malakas na pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Tarlac, Pampanga, Nueva Ecija, Bulacan, Cavite at Batangas.

Sinabi ng weather bureau na mararanasan ito sa susunod na dalawa hanggang tatlong oras.

Pinayuhan ang publiko at disaster risk reduction and management council na manatiling nakatutok sa lagay ng panahon.

Read more...