Walang bagong Filipino abroad na tinamaan ng COVID-19 – DFA

Walang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang December 27, nanatili sa 12,828 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,575 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Wala ring bagong gumaling kung kaya 8,342 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.

Wala ring bagong napaulat na nasawi.

Dahil dito, 911 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,654 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,746 confirmed COVID-19 positive cases na OF.

Nasa 781 naman ang kaso sa Americas at 2,647 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...