Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng linggo (December 27), umabot na sa 469,886 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 22,099 o 4.7 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 883 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
80.2 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 9.9 porsyento ang asymptomatic; 0.43 porsyento ang moderate; 3.2 porsyento ang severe habang 6.2 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 42 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 9,109 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 7,635 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 438,678 o 93.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.