Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Quezon.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 24 kilometers southwest ng bayan ng San Francisco, alas-6:04 gabi ng Biyernes (December 25).
May lalim na 5 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala ang sumusunod na intensities:
Intensity V – San Francisco and Mulanay, Quezon;
Intensity IV – San Andres, Catanauan and San Narciso Quezon;
Intensity III – Boac, Marinduque; Malabon City;
Intensity II – Guinayangan, Quezon; Ocampo; Camarines Sur;
Intensity I – Lucban, Quezon
Naitala rin ang sumusunod na instrumental intensities:
Intensity III – Gumaca, Quezon
Intensity II – Lopez, Quezon; Legazpi City; Mercedes, Camarines Norte;
Intensity I – Lucena City; Dolores, Lucban, Guinayangan, Quezon; Jose Panganiban, Camarines Norte; Sipocot, Camarines Sur;
Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian ngunit inaasahan ang aftershocks bunsod ng malakas na pagyanig.