Bilang ng mga Filipino sa abroad na nagpositibo sa COVID-19 nanatili sa 12,828 – DFA

Hindi nadagdagan ang bilang ng mga Filipino na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) (Biyernes, December 25), nasa 12,828 na overseas Filipinos (OFs) pa rin ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 84 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,576 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Ang bilang ng mga naka-recover o na-discharge na sa ospital ay nanatili sa 8,341.

Ang bilang naman ng mga Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19 ay nanatili sa 911.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na Filipino sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,654 na kaso.

Sumunod dito ang Asia Pacific Region na may 2,647 confirmed COVID-19 positive cases.

Nasa 1,746 naman kaso ang sa Europe at 781 sa Americas.

Read more...