Calatagan, Batangas niyanig ng magnitude 3.3 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.3 na lindol ang lalawigan ng Batangas.

Ayon sa Phivolcs naitala ang pagyanig sa layong 19 kilometers southwest ng bayan ng Calatagan, alas 12:16 ng tanghali ngayong Huwebes, Dec. 24.

May lalim na 135 kilometers ang lindol at tectonic ang origin nito.

Wala namang naitalang intensities at hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.

 

 

 

Read more...