WATCH: Nuezca, aminado sa pagkakamali sinabing nadala siya sa sobrang emosyon

“Nadala ng sobrang emosyon”

Ito ang katwiran ni Police Master Sergeant Jonel Nuezca kaya niya binaril ang mag-inang Sonya at Anthony Gergorio sa Paniqui, Tarlac.

Nagpost ng video sa Facebook page ng Police Regional Office 3 kung saan kinakausap ni Central Luzon police chief Brigadier General Valeriano De Leon si Nuezca.

Pinagsabihan ni De Leon si Nuezca dahil nakaladlad ang buong PNP sa kaniyang ginawa.

Ayon naman kay Nuezca, inaamin niya at pinagsisisihan niya ang kaniyang ginawa.

“Inaanim ko po sir iyong pagkakamali ko. Nadala po ako ng sobrang emosyon. Nagsisisi po ako sa ginawa ko, Sir. Malaking pagsisisi, Sir. Unang-una para sa pamilya ko, Sir,” ayon kay Nuezca.

Humingi di ng tulong si Nuezca kay De Leon. Tanong naman ni De Leon sa kaniya “Anong itutulong ko sayo?”.

Sinabi ni De Leon kay Nuezca na galit na galit sa kaniya ang mga tao dahil sa kaniyang ginawa.

 

 

 

 

Read more...