Coast Guard nakapagtala ng mahigit 9,000 pasahero na bumiyahe sa mga pantalan

Simula alas 12:00 ng madaling araw hanggang alas 6:00 ng umaga ngayong Huwebes, Dec. 24, 2020 umabot sa mahigit 9,000 ang naitala ng Philippine Coast Guard na bumiyahe sa mga pantalan.

Sa ilalim ng Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2020 ng Coast Guard, mayroong 5,338 na outbound passengers at 4,256 inbound passengers ang kanilang na-monitor.

Mayroong 1,461 na tauhan ng Coast Guard na nakakalat sa mga pantalan.

Nagsagawa sila ng inspeksyon sa nasa 153 mga barko at 19 na motorbancas.

 

 

Read more...