Ang mga bagong cell sites o cell towers ay inilagay sa Metro Manila; Rizal; North at South Luzon; Visayas at Mindanao.
Sa Metro Manila nakapagtayo ng 20 bagong towers ang Globe, 3 sa Rizal, tig-iisa sa Ilocos Norte, Nueva Ecija at 2 sa Bulacan.
May naitayo ding 7 towers sa Laguna, 4 sa Cavite, 3 sa Batangas, 2 sa Albay, at 1 sa Quezon.
Sa Cebu, nakapagtayo ng 16 na bagong cell sites, 2 sa Negros Occidental at tig-1 sa Antique at Iloilo.
May mga naitayo ding bagong cell sites sa Agusan del Sur, Agusan del Norte, Compostela Valley, Davao del Norte, Davao Oriental, Misamis Oriental, Sarangani at Zamboanga del Sur.
“More towers mean better and wider coverage for our customers. We are also happy to note that Globe’s presence is now being felt and appreciated in more provinces in the country. Our network expansion in Agusan provinces, Davao peninsula, Sarangani and in Zamboanga peninsula bodes well for bigger network rollouts in other key areas in Mindanao,” ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group ng Globe.
Samantala, umabot naman sa 867 na site ang nai-upgrade ng kumpanya.
248 dito ang ini-upgrade sa 4G sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao.
Target naman ng Globe na makapaglagay ng 636 na 5G ready sites sa Metro Manila at sa 72 nain Cebu, Iloilo, Davao del Sur and Misamis Oriental.
“As experienced in previous areas, the site upgrades bring better experience to our customers even to those who are limited by 2G/3G technology. With 4G LTE and the much-anticipated 5G now made available in more areas, our customers will experience the benefits of the Filipino digital lifestyle which will help them address the challenges of the new normal,” dagdag ni Agustin.