Global cases ng COVID-19 mahigit 79 million na

Umabot sa mahigit 670,000 pa ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa buong mundo sa nakalipas na magdamag.

Batay sa pinakahuling datos araw ng Huwebes, (Dec. 24) ay 79,023,281 na ang global cases ng COVID-19.

Sa magdamag, mahigit 233,000 ang bagong kaso na naitala sa US.

Sa Brazil nakapagtala ng mahigit 46,000 na bagong kaso sa magdamag.

Mahigit 39,000 naman ang mga bagong kaso na naitala sa UK.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

USA – 18,908,013
India – 10,123,544
Brazil – 7,366,677
Russia – 2,933,753
France – 2,505,875
UK – 2,149,551
Turkey – 2,082,610
Italy – 1,991,278
Spain – 1,847,874
Germany – 1,587,908

 

 

 

Read more...