Biyahe ng MRT-3 ngayong araw, Dec. 24 at sa Dec. 31 maagang matatapos

Mas maaga kaysa regular na schedule ang last commercial train ng MRT-3 ngayong araw, Dec. 24 at sa Dec. 31.

Sa abiso ng MRT-3, 7:45 ng gabi ang last train na galing ng North Avenue Station habang 8:25 ng gabi naman ang last train galing Taft Avenue Station ngayong bisperas ng Pasko at sa bisperas ng Bagong Taon.

Bukas naman araw ng Pasko, December 25 at sa Bagong Taon, January 1 ay mas late na ang unang biyahe ng mga tren ng MRT-3.

Alas 6:30 ng umaga ang alis ng first train sa North Avenue Station at Taft Avenue Station.

9:30 ng gabi naman ang last train mula North Avenue at 10:10 ng gabi ang last train galing Taft Avenue.

 

 

Read more...