Ayon kay Centers for Disease Control and Prevention (CDC) Director Robert Redfield, ito ay mula nang i-roll out ang mass vaccination noong December 14.
Magugunitang tatlong milyong doses ng Pfizer-BioNTech vaccine ang kinuha mg Amerika.
Ngayong linggo, dalawang milyong doses pa ng bakuna mula Pfizer at anim na milyong doses mula Moderna ang bibilhin ng US.
Target ng pamahalaan ng Amerika na mabakunahan ang 20 milyong katao ngayong buwan pero maari umanong hindi ito makamit dahil sa nagkakaroon ng delay sa pamamahagi ng bakuna sa mga lugar kung saan nagsasagawa ng vaccination.
Pero kaya umanong mabakanuhan ang 100 milyong katao hanggang sa unang quarter ng 2021.
Inaasahan ng pamahalaan ng Amerika na sa summer 2021 ay balik na sa normal ang sitwasyon doon.