Operasyon ng Pasig River Ferry suspendido sa Pasko at Bagong Taon

Suspendido ng tatlong araw ang biyahe ng Pasig River Ferry para sa Pasko at Bagong Taon.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA, walang biyahe ang River Ferry sa Pasko, December 25; bisperas ng Bagong Taon, December 31 at sa Bagong Taon, January 1.

Half-day naman ang operasyon ng River Ferry ngayong araw, December 24.

Sa December 26 hanggang December 30 ay normal ang operasyon ng River Ferry.

Balik din ito sa normal na operasyon sa January 2, 2021.

 

 

 

Read more...