Mahigit 46,000 na bagong kaso ng COVID-19 naitala sa Brazil sa nakalipas na magdamag

Umabot na sa mahigit 7.3 million ang kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 46,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa Brazil.

Dahil dito, umabot na sa 7,366,677 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 6.4 million na ang gumaling sa COVID-19 sa Brazil at mayroong mahigit 772,000 pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 900 na pumanaw sa Brazil dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 189,264 na.

 

 

 

 

Read more...