Kaso ng COVID-19 sa US nadagdagan ng mahigit 200,000 pa; mahigit 3,000 pa ang nasawi

Umabot na sa lagpas 18.8 million ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

Sa magdamag ay nadagdagan pa ng mahigit 203,000 ang mga kaso ng COVID-19 sa US.

Dahil dito, umabot na sa 18,888,095 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.

Mahigit 11 million na ang gumaling sa COVID-19 sa US at mayroon pa itong mahigit 7.4 million pang active cases.

Samantala, mayroong naitalang dagdag na mahigit 3,000 pang pumanaw sa US dahil sa COVID-19.

Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 333,916 na.

 

 

 

Read more...