12 motorista tatanggap ng libreng one-year supply ng fuel mula Petron

Pipili ang Petron ng labingdalawang motorista na mananalo ng isang taong libreng suplay ng fuel.

Ayon kay SMC President at COO Ramon S. Ang, ito ay pamamaraan nila ng pasasalamat sa mga motoristang patuloy na tumatangkilik sa Petron.

“This is our way of giving back to all the motorists who continue to make Petron their fuel brand of choice. While this year’s Christmas will be quite different, we still want to give something special to our customers by rewarding them for their loyalty and putting more savings in their pockets,” ayon kay Ang.

Sa ilalim ng promo, ang mga Petron Value Card holders na magpapakarga bukas sa Petron Station, ay maaring manalo ng one-year suplay ng fuel na aabot sa P88,000 ang halaga.

Kailangan lamang nilang magpakarga bukas, December 25 ng P500 o higit pa na halaga ng Petron fuel.

Matapos ito ay automatic na silang kwalipikado sa electronic raffle.

 

 

 

Read more...