COVID-19 vaccine mula Moderna darating sa Canada sa susunod na mga araw

Darating sa Canada sa susunod na mga araw ang bakuna ng Moderna laban sa COVID-19.

Ayon kay Canadian Prime Minister Justine Trudeau, maliban dito, sa susunod na buwan, parating pa ang 250,000 doses ng COVID-19 vaccine mula Pfizer.

Dahil dito, sa buwan ng Enero, aabot na aniya sa 751,000 doses ng COVID-19 vaccine mula Pfizer ang makukuha ng Canada.

Hanggang sa January 31, 2021 ay target ng Canada na makakuha ng 1.2 million doses ng bakuna mula Pfizer at Moderna.

 

 

 

Read more...