Sa inilabas na pahayag ng NBA, suspendido ang laban na dapat sana ay gaganapin sa Toyota Center salig sa Health and Safety Protocols ng liga.
Ipinaliwanag ng NBA na mayroong isyu sa isinumiteng COVID-19 tests ng tatlong manlalaro ng Rockets.
“Three Houston Rockets players have returned tests that were either positive or inconclusive for coronavirus under the NBA’s testing program,” ayon sa pahayag ng liga.
Nagsagawa din ng contact tracing protocol ang NBA kung saan apat na manlalaro ang isinailalim sa quarantine.
Habang si James Harden ay hindi rin available para magkapaglaro dahil sa paglabag sa Health and Safety Protocols.
Ang iba pang manlalaro ng Rockets ay isinailalim sa COVID-19 tests at lahat naman sila ay nag-negatibo.
Kinansela ang game dahil kulang ang manlalaro ng Rockets at hindi nila maaabot ang walong available players na required sa rules ng liga.