Narito ang ruta ng Provincial PUB na bukas simula ngayong araw Disyembre 24:
• Baguio City – Mariveles, Bataan
• Baguio City – Olongapo, Zambales
• North Luzon Expressway (NLEX) – Baguio City
• North Luzon Expressway (NLEX) – Laoag City, Ilocos Norte
• North Luzon Expressway (NLEX) – Pagudpud, Ilocos Norte
Maaaring bumiyahe ang mga roadworthy na bus na may valid at existing Certificate of Public Convenience (CPC) o Application for Extension of Validity, at kinakailangang naka-rehistro sa Personal Passenger Insurance Policy ang bawat unit sa mga rutang nakapaloob sa MC.
Bilang kapalit ng Special Permit (SP), mayroong QR CODE na ibibigay sa bawat operator na dapat ilagay sa short bond paper at ipaskil sa PUV.
Maaring i-download ang QR Code mula sa official website ng LTFRB (https://ltfrb.gov.ph/).
Bukod sa QR Code, kailangan ding sumunod ang mga pick up at drop off terminals ng mga naturang bus sa health at safety protocols bago payagang mag-operate ng local government units.
Muling pinapaalala ng ahensya na walang ipatutupad na taas-pasahe sa mga naturang Provincial PUB, maliban na lang kung ipag-uutos ito ng LTFRB.
Kinakailangan din an sumunod ng mga PUV sa mga alituntunin ng IATF at local government units kaugnay ng health protocols bago sila makabiyahe.