Toll sa SMC Tollways libre sa Pasko at Bagong Taon

Gaya ng nakagawian taun-taon libre ang toll sa mga expressway na pinatatakbo ng SMC Tollways sa Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay SMC President at COO Ramon Ang, taun-taon itong ginagawa ng SMC Tollways at mas may dahilan ngayon taon na ipatupad ito lalo pa at napakaraming pagsubog ang pinagdaanan ng bansa.

“Every year as we celebrate Christmas and New Year, we waive toll fees at all our expressways to thank our loyal motorists. This year we have all the more reason to extend the same to spread some hope and joy In these trying times,” ayon kay Ang.

Ayon kay Ang, simula alas 10:00 ng gabi ngayong araw, December 24, hanggang aalas 6:00 ng umaga bukas, December 25 at mula alas 10:00ng gabi sa Cember 31, hanggang alas 6:00 ng umaga ng January 1 ay libre ang toll sa SMC Tollways.

Kabilang dito ang STAR Tollway, SLEX, Skyway, NAIAX at TPLEX .

 

 

 

Read more...