Nadagdagan pa ang bilang n kumpirmadong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 sa Philippine National Police (PNP).
Sa huling datos mula sa PNP Miyerkules (December 23, 6:00PM) 8,793 na ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng COVID-19.
Sa nasabing bilang ay mayroong 8,443 na pulis na nakarecover o gumaling na sa sakit kung saan nakapagtala ng 28 na bagong recoveries.
Ang COVID-19 active cases naman ay 323.
Samantala, ang COVID-19 related deaths ay nanatili sa 27.
Pinayuan ng PNP ang lahat ng kanilang mga tauhan na agad makipag-ugnayan sa PNP Health Service kung makararanas ng sintomas ng COVID-19.
MOST READ
LATEST STORIES