Bilang ng mga naka-recover sa COVID-19 sa lalawigan ng Rizal, umabot na sa 13,114

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling o naka-recover na sa coronavirus disease o COVID-19 sa lalawigan ng Rizal.

Base sa huling datos ng Provincial/City/Municipal Health Offices ng Rizal (Martes, December 22), nadagdagan ng 59 ang bilang ng mga gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan kaya umabot na ito sa 13,114.

Sa nasabing bilang 523 ang active cases.

Ang bilang naman ng mga nasawi sa COVID-19 sa lalawigan ay nadagdagan ng 2 kaya umabot na ito sa 497.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng virus sa lalawigan ay umabot na sa 14,134 na.

Read more...