Bilang ng mga nakarecover sa COVID-19 sa Navotas 5,195 na

Tumaas pa ang bilang ng mga gumaling sa coronavirus disease o COVID-19 sa Navotas.

Base sa huling datos ng lungsod (alas-5 ng hapon ng Miyerkules, December 23), nasa 5,195 na ang nakarecover sa COVID-19 kung saan 4 ang nadagdag.

Walang naitalang bagong nasawi sa lungsod kaya ang bilang ng COVID-19 related deaths ay 168 pa rin.

Ang bilang naman ng active cases ay 63 kung saan 10 ang bagong naitala.

Sa kabuuan umabot na sa 5,426 ang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.

Patuloy na paalala ng pamahalaang lungsod ng Navotas na panatilihin ang pagsunod sa mga safety measures para maiwasan ang pagdami pa ng kaso.

 

Read more...