Sa weather forecast ng PAGASA, ngayong araw, ang Cagayan Valley at Cordillera Administrative Region ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa Amihan.
Sa Metro Manila at nalalabi pang bahagi ng Luzon, bahagyang maulap na papawirin ang iiralna may isolated na pag-ulan.
Sa Visayas at Mindanao, maalinsangan ang panahon at iiral lamang ang localized thunderstorms.
Samantala, sa susunod na 36 na oras isang Low Pressure Area (LPA) ang posibleng mabuo sa bahagi ng Mindanao.
Ang trough o extension nito ay magdudulot ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Visayas, Mindanao at bahagi ng Palawan simula sa weekend.